Give your heart a break.
Kasi pag ka nahihirapan damdamin ko, blinoblog ko.
Ganto kasi.
Wake me up when all is done.
Sa buong buhay ko, ang dami ko nading mga nagawang pagkakamali. Unang kalaban ko ay ang kakitiran ng utak ko at pangalawa ay ang pride ko - pero madalas naman hindi ako ma-pride.
Kung naibabalik lang sana ang panahon, sana naitama ko lahat ng pagkakamali ko nun. Well, lagi naman ganyan, gusto nating ibalik saka natin itatama. Pero that just impossible. No one can ever go back, no one can make things right. Sbe nga, all is said and done.
Kaya pagkatapos jan, pagsisisi naman at panghihinayang ang kalaban natin.
Bakit ba kasi hinayaan natin mawala lahat? Bakit hinayaan natin na dati yung mga taong halos ino-occupy yung half ng heart natin eh ngayon ay back to zero? Strangers again? How can we be so stupid to preserve our shitty pride and let everything fall apart?
Pero sabi nga ni Joanna - Wake up. People come and go.
Pero sayang. Sayang lahat ng pinagsamahan. Kung hindi lang sana ako nagpakain sa pride ko, kung itinama ko lang sana lahat, hindi sana ako mag-eend up dito. But Im not saying that I didn't even try, I did. I tried a lot of times. Kaso hindi na talaga nagwowork. Parang sa sobrang durog na durog na nung salamin namin, hindi na siya maayos at mabuo.
And this is the hardest part of all, yung tipong makikita mo yung memories niyo before, and all you can feel is regret about everything that you've become, and all you wish is to go back and make things right.
But at some point, I know this wasn't my 100% fault. Naging laban ito para samin. Naging isang laban kung kanino dapat ibato ang sisi at ang kasalanan. Though, lets BE REAL, lahat kami ay may kasalanan. Nagpreserve ng pride at pumasok sa konsepto ng turning tables. Nagsimulang magmukhang contest ang problema namin, contest kung sino ang pinakawalang pakielam. Pero deep inside, sobra kong nahirapan at sobra kong naapektuhan sa mga nangyari.
Pero wala na, ganun siguro talaga.
Ang masasabi ko nalang, sana inayos namin nung may panahon pa kami. Nung hindi pa huli ang lahat para maisalba ang magandang relasyong meron kami nuon. Sana hindi kami nagpatalo sa pride. Sana hindi naging makitid ang isip ko nung panahon na yun. At sana nirespeto namin ang choices ng isat isa, sana nirespeto namin ang isa't isa hindi na bilang kaibigan, kundi bilang tao na lang. Sana naitama namin nuon. Sana hindi ganito ngayon.